Pinoy Kasi..

December 23rd, 2006 by george-pacheco-doton

Nativity

Nang isilang si Hesus sa mundo ay nakapiling niya ang kanyang inang si Maria, at tumayong ama na si Jose.. Larawan ng isang Pamilya.

Ang Pamilya na siguro ang pinaka-mahalaga o importanteng tao sa buhay ng bawat Pinoy.

Sa tuwing sasapit ang mahahalagang okasyon gaya ng Kapaskuhan at Bagong taon.. wala na sigurong lulungkot pa sa ating mga Pinoy kundi ang mawalay sa ating mga Pamilya.

Iba kasi ang pakiramdam ‘pag magkakasama kayong kakain ng "noche buena", o di kaya’y sasalubong sa ingay ng bagong taon..

Ngayong Kapaskuhan.. milyun-milyong Pilipino ang hindi makakapiling ang kanilang mga Mahal sa buhay, kabilang na dito ang mga nagta-trabaho sa ibang bansa, call center, Pulisya, at sa kung saan-saan pang larangan..

Tunay ngang masakit ang mawalay sa Pamilya mo sa ganitong mahahalagang okasyon.. marahil kung isa lamang tayong super hero, malamang kahit saglit ay lilipad tayo patungo sa ating mga mahal sa buhay.. pero anong magagwa natin? tao lang tayo.. Siguro ang pinaka-magagawa natin ay ang maka-usap sila sa telepono, mai-text, masulatan o mapadalhan ng card.. Haaay… ang mga paraan na magagawa ng taong malayo sa Pamilya niya, ang ilan sa paraan na magagawa ko..

Maligayang Pasko po sa lahat!

“Capote”

November 18th, 2006 by george-pacheco-doton

      I bought a dvd copy of this movie about a month ago, and it was only last wednesday(nov.15) when i got the chance of watching it..

      The movie is about a writer named Truman Capote, portrayed by Phillip Seymour Hoffman.

      While doing his research for his book "In Cold Blood", an account of the murder of a Kansas family.. Capote developed a close relationship with Perry Smith, one of the killers..

       The story gets more interesting when Perry reveals what really happens at the night of November 14..

        This film made me cry at somepoint.. (or am i just too emotional? lolz!)

        Well, i suggest you guys watch it! the film is really interesting.. its worth watching.. and you’ll somehow think that no matter how bad a person have been.. he can still actually touch lives..

mAbOtEnG UsaPAn!

August 11th, 2006 by george-pacheco-doton

Indexshot   Madalas akong magtaka na kung bakit sa tuwing may okasyon o problema yung karamihan sa mga kaibigan ko.. Hindi nawawala ang alak! Beer, Gin, ay… panget pakinggan unahin muna natin yung Gin, tapos Beer hehe.. at kung anu-ano pang inuming alkohol!.

Ako po’y ocassional drinker lang.. dati nga naiinis ako pag nagkayayaan ng uminom..

Ano nga ba meron sa alak? Mapait, Mapakla, Mahal, Magasto at kung anu-ano pa! iniisip ko minsan ‘pag nanlilibre yung kaibigan ko.. nagsasayang lang siya ng pera..

Pero.. may isang pangyayari na hinding-hindi ko makakalimutan..

One time, i was at home when i got a text message from my bestfriend.. that time.. siguro, mga one year na kaming hindi nagkikita.. kaya naman am so excited to see him.. Nagyaya siyang uminom.. Waaaahhh!!!(sigaw ko sa sarili ko! hehe..) pero dahil matagal na kaming hindi nagkikita.. sige pagbigayan!! Dito na tuluyang nagbago pananaw ko sa bote ng Alak! lolz!!

"Maboteng Usapan" - "Mabuting Usapan!".. iba pala ang pakiramdam kapag naglabas ng saloobin o problema ang isang tao sa’yo.. lalo na ‘pag yung best friend mo.. honestly speaking, i know nothing about his personal life kahit na kinokonsidera ko siyang bestfriend.. yung araw na ‘yun ay isa sa mga araw na hindi ko malilimutan.. pinagkatiwalaan ako.. hiningan ng payo.. Nakakataba ng Puso!

Sa huli naisip ko.. wala pala sa bote.. nasa pakikisama! siguro kung tumanggi akong uminom o sumama sa kanya.. hindi ko masasabi na karapat-dapat pa akong maging kaibigan niya.. hindi ko kailangang magpakalasing.. kailangan lang damayan siya!!

O siya.. tagay pa!! nyahahaha..

ito ang gusto ko!

August 6th, 2006 by george-pacheco-doton

Ako

eversince nung bata pa ako.. i always wanted to be different from other people..

gusto ko magkaroon nang sariling pagkakakilanlan.. i dreamed of becoming famous someday.. (pero not naman to become a star which is too impossible!) gusto ko makilala bilang isang mabuting tao.. matulungin ka sa kapwa.. mapagmahal..

honestly speaking, wala pong kwenta sakin yung pisikal na kaanyuan o kaya ay kayamanan..

gusto kong magkaroon ng maraming kaibigan.. gusto kong maglakbay sa malalayong lugar.. gusto kong matutuhan ang maraming bagay.. gusto kong matutong tumayo mag-isa..

ang dami kong gusto!! etoh ang ilan sa mga mas imposible.. hehehe..

gusto kong lumipad.. gusto kong maging malaya sa lahat ng bagay, sa lahat ng iisipin ng iba.. gusto kong magkaroon ng superpowers.. gusto kong maging pangulo ng Pilipinas.. whew!

gusto kong maging isang makata.. gusto kong maging magaling na Direktor, Kompositor,Guro, Duktor.. 

Marahil natatawa kayo sa sobrang dami at imposible ng mga gusto ko..

basta.. ito ang gusto ko eh! hehehe…

I’m in love!

July 30th, 2006 by george-pacheco-doton

hello everyone!!

pasensiya na po kung ngayon lang ako ulit nakapag-update nitong aking blog.. medyo marami akong iku-kwento sa inyo pero sa susunod na yung iba..

Masayang-masaya ako!!

I have never been in love this way before..(Nakup.. tiyak tutuksuhin na naman ako nito..) Totoo po.. may bago po akong inspirasyon..

Her name is Patty! I love her so much! uhm… she’s a bit younger than me.. she’s 21, graduating student at a state university.. yun na lang muna po.. saka na po yung ibang detalye! hehehe.. basta.. she’s a very nice person.. at higit sa lahat simple lang!

Kaso.. may problema ako eh.. she told me na remember daw important dates like kung kelan kami nagka-kilala.. kung kelan naging kami.. boink! medyo mahina memorya ko sa mga dates eh.. lolz!

to my minamahal na gf patty,

wag mong pababayaan sarili mo ha?!

medyo maloko lang ‘tong bf Jhong mo pero mabaet po ito.. hehehe..

i love you!! mmwah!!

Be glad to have a Dad!

June 18th, 2006 by george-pacheco-doton

  This is about a person whom i dreamed of being with.., its about a man whom i admire the most..

It’s about my Dad!

  I was only two years old when my Dad past away.. and since then, my Mom took the responsibility of raising us up.. i never really got a chance to know my Dad well.. but the way my Mom, and some of his "kompadres" told me about him.. i would say that he is trully a great person.

  "Ima" used to tell me stories about my Dad.. She told me that my Dad is a noble soldier.. dedicated to his work, and loves helping other people..

  I would love to tell you more about my Dad.. pero siyempre.. i post this message not just for my Dad.. para din ito sa lahat ng Tatay, Daddy, Papa, Ama, Tatang… o kung anumang tawag niyo..

  Ma-swerte nga ang karamihan sa inyo kasi nakakasama niyo pa ang inyong mga ama.. sarap sigurong marinig mula sa kanya ‘yung mga bagay na nakapagbibigay inspirasyon at saya sa kanila. Kaya naman… binati niyo na ba sila ng "Happy Father’s Day?!"

                           Happy Father’s Day po sa lahat ng Ama!!

9 yEaRs nA!

June 11th, 2006 by george-pacheco-doton

Ceu June 13, 1997

Siyam na taon na ang nakakalipas nang una kaming magkakila-kilala ng ilan sa mga taong naging mahalaga sa buhay ko.. ( CEU ABMC IVa-Malolos, Naaalala niyo pa ba??)

Siyam na taon.. nananatiling magkakaibigan! Siyam na taon at hanggang sa habang panahon!

Sana walang sawaan.. Sana walang iwanan.. Sana palagi kayong Nandyan..

Para sa mga naging mabuting kaibigan ko:

Gerry, Mavzs, Lawd, Vevzs, Cecille, Anjo, Paulo, Kenneth, Rommel, Eseng, DiƱo, Adame, Jeje, Whamos, Mitze, Nathaniel, Suzette, Cristina, Pedro, at marami pa pong iba.. pasensiya na po sa mga hindi ko nabanggit na pangalan..

Salamat! 

Centro Escolar University (Malolos) - MassCom. 2001

Para sa’yo ‘to kaibigan ko!

June 4th, 2006 by george-pacheco-doton

Kung bibilangin ko yung mga taong masasabi kong "super hero" ng buhay ko.. tiyak mauubusan ako ng oras sa pag-iisip sa kung sino-sino ang mga ito.

Maliban sa kapamilya ko.. siyempre mawawala ba naman ang mga butihin kong kaibigan?

Karamihan sa mga kaibigan ko ay ‘di ko na nakikita.. pero siyempre hindi ko makakalimutan yung mga pagkakataon na pinalakas nila ang loob ko, pinaramdam nila sa akin na importante ako.. at higit sa lahat pinadama nila sa akin ang tunay na kahulugan ng pagka-kaibigan.

Hindi ako natatakot na balang araw ay iwanan ako ng inaakala kong kaibigan, kung alam ko naman na sa bawat aalis ay may darating.. yung handang tangapin ang mga kahinaan ko at handang unawain ang problemang pinapasan ko.

Kaya kung isa ka sa tunay at tapat na kaibigan ko..

Maraming Salamat Sa’yo!

Para sa mga kaibigan ko!

The two sides of me..

May 28th, 2006 by george-pacheco-doton

"The Symbol is represented by twins Gemini may be a dual personality or a single personality with two aspects, elusive, complex and contradictory. Two is more creative than one. On the one hand it produces the virtue of versatility, and on the other the vices of two-facedness and flightiness. The sign is linked with Mercury, the planet of childhood and youth, and its subjects tend to have the graces and faults of the young. When they are good, they are very attractive; when they are bad they are more the worse for being the charmers they are.."

I was born under the star sign of Gemini!

Well, it doesn’t matter if you don’t believe in horoscopes, and the likes.. am just making myself known to you.. *wink at you..

I often find myself thinking.. asking.. "hmm.. posible nga ba o marahil nagkataon lang?!"

May mga panahong magulo ang isip ko.. hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko.. may mga pagkakataong good boy ang image ko.. may pagkakataong not so good.. hehe..

Basta.. ang alam ko.. mabuti akong maging kaibigan at masamang kaaway.. pero hindi naman po ako nagtatanim ng sama ng loob sa mga nakakagalit ko..

Madali akong magtiwala sa isang tao at madali rin namang mawala yung tiwala ko.. kaya ‘pag pinagkatiwalaan kita ‘wag mong sasayangin!

Madali akong mapa-ibig.. madali din namang mawalan nang gana sa pag-ibig..

Tahimik akong tao.. pero sabi nila yung mga tahimik na tulad ko ay ang hindi mo magugustuhang magalit sa’yo.. huh?!

Basta.. mabait naman po ako.. ‘wag kayong matakot! hehe.. hanggang sa susunod!

kEep oN sMiLinG!

May 21st, 2006 by george-pacheco-doton

Lahat tayo may problema.. Sino bang wala??

Problema sa… Pera, Trabaho, Pagkain, Pag-ibig, at kung anu-ano pa…

Madalas hindi na natin nakikita yung ganda at saya sa paligid natin.. hinahayaan natin na kainin ng lungkot sa kaiisip ang kabuuan ng ating pagka-tao.. mahalagang isipin natin na maikli lang ang buhay walang masama kung ngi-ngiti ka paminsan-minsan.. (ano ako?? baliw?)

basta.. keep on smiling! sigurado ako.. lahat ng hindi maganda sa paningin at pakiramdam mo.. aayus din ‘yun..

hanggang sa susunod