Mabuhay ang Atletang Pinoy!
Saturday, August 9th, 2008
Opisyal ng nagsimula ang ika-29th Olympic GAmes sa Beijing China..
Taas noong iwinagayway ng ating mga atleta ang bandila ng ating bansa.
Mahigit isang dekada na rin ang nakakaraan ng huling manalo ang ating bansa ng medalya sa Olympics.. ito’y sa ngalan ng ating magiting na boksingero na si Mansueto "onyok" Velasco, na nag-uwi ng pilak noong 1996 Centenial Olympics sa Atlanta, USA.
Nanatili namang mailap ang gintong medalya para sa ating bansa dahil magmula ng magpartisipa ang ating bansa sa Olympics ay wala pa tayong napapanalunang ginto..
Pero ‘wag tayong mag-alala.. am sure malapit na ang panahon na mapapabilang ang Bowling, Billiards, at Dancing sa Olympic Sports.. ito ang sinisigurado kong magbibigay sa atin marami at malaking karangalan sa hinaharap.. maliban sa boksing at taekwando.
Mainam na rin siguro na ‘wag tayong masyadong mag-concentrate sa basketball.. naiisip ko lang.. sabi nila ang Pilipinas ay may malawak na coastline, mas malawak kaysa sa Estados Unidos.. Nasisiguro ko na meron tayong mga kabataan na magagaling mag-swimming at mag-dive.. kailangan lang madiskubre at mabigyan ng pagkakataon.. kung mapapansin kasi natin karamihan sa ating mga Olympic Swimmers ay mga half-pinoy o di kaya ay mayaman. Kailangan talagang maghanap tayo ng mga bagong talento. Kung kinakailangang suyurin ang lahat ng isla ng ating bansa para makahanap ng magagaling na Swimmers at Divers.. tiyak ko mas lalaki ang tsansa na magkamit tayo ng gintong medalya.
Sa ngayon, hindi na mahalaga kung may maiuuwi man o wala na medalya ang ating mga atleta, Para sa akin sila mismo ay mga natatanging Ginto ng ating bansa na dapat ipagmalaki!
Mabuhay ang Atletang Pinoy!