The Healing Priest Versus Politicking Priest’s!
Nitong mga nagdaang araw.. Marami tayong narinig na balita tungkol sa tinaguriang "healing priest" na si Fr. Fernando Suarez.
Marami ang sinasabing napagaling ng pari sa iba’t-ibang karamdaman, na nagmula pa sa iba’t-ibang lugar..
Mag-iisang taon na ng una kong makaharap si Fr. Suarez, bagama’t wala naman akong matinding karamdaman.. personal ko pa ring nasubukan ang sinasabing panggagamot ng pari.. Naniniwala ako na ang pananalig sa Diyos ang siyang tunay na nakapag-papagaling.. iyon din naman ang sinasabi ni Fr. Suarez, na kung anuman ang "kakahayan" niya ay Diyos ang may gawa.
Nakakalungkot na nitong mga huling araw ng panggagamot ni Fr. Suarez, may ilang Healing Mass Session pa na hindi natuloy o kundi man pinigilan ng ilang Obispo..
Sa Bulacan.. magsasampa umano ng Pormal na reklamo si Malolos Bishop Jose Oliveros laban kay Fr. Suarez.. ito ay sa dahilang nagsagawa umano ang "Healing Priest" ng ilang healing session sa naturang lalawigan ng hindi humihingi ng permiso o paalam mula sa kanya.. Sa kabila naman nito dumagsa pa rin ang mga tao sa simbahan kung saan sana nakatakdang magtungo si Fr. Suarez.
Sa Pangasinan.. Pinigilan ni Bishop Oscar Cruz ang Healing Session na nakatakda sanang gawin sa lugar.. dahil daw hindi na katanggap-tanggap sa Simbahang Katoliko ang mga lumalabas na testimonya o klase ng pangga-galing na ginagawa ni Fr. Suarez.. Naisip ko.. wala naman kaya itong kinalaman sa pag-amin ni Fr. Suarez na malapit ito sa "Unang Pamilya"?, Matatandaang si Bishop Cruz ay isa sa mga hayagang nagpapababa sa Pangulong Arroyo sa kanyang pwesto..
Ayoko mang bigyan ito ng kulay pulitika.. pero lumalabas na nahahaluan nga ng pulitika.. Akalain mo ba.. may pulitika rin sa Simbahang Katoliko.. nakakalungkot kasi.. Ang Pananampalataya na ng mga tao ang nakasalalay dito.. Naisip ko lang din.. ano naman kaya ang reaksiyon ng Santo Papa sa isyung ito?
Hmmm.. pag-isipan niyo din!