Sibuyas!
Ang sibuyas ay bahagi na ng kusinang Pinoy.. kagaya ng bawang hindi na ito nawawala sa mga ginisa at kung anu-ano pang pagkain..
Sa post kong ito.. marahil hindi gaanong apektado yung mga taong walang hilig sa sibuyas, o di kaya’y wala lang talagang pakialam sa nangyayari sa kapaligiran.. ano istorya tungkol dito? eto yun…
Minsan nautusan akong mamili ng ulam sa palengke.. hindi ako makapaniwala sa presyo ng apat na pirasong sibuyas.. napaka-mahal.. paano pa kaya kung bibili ka ng tingi sa tindahan?
Naalala ko tuloy.. 2 weeks before christmas, may nasabat ang Bureau of Customs na mga container van na naglalaman ng tone-toneladang sibuyas mula bansang tsina.. Ipinagbabawal daw kasi ng pamahalaan ang pag-angkat ng sibuyas.. kasi daw maapektuhan ang mga lokal na magsasaka, babagsak daw ang kanilang kita..
Sa una ang gandang isipin.. na tinutulungan ng pamahalaan ang mga "maliliit" nating magsasaka.. hmmnn.. pero pa’no naman kaya ang mahihirap nating kababayan na bumibili nito? natutulungan kaya tayo sa paraang ito? hindi naman masama ang hagarin ng ating pamahalaan.. kaya lang hindi ba mas mainam kung ang kapakanan ng nakararami ang ating iisipin?
Ewan ko sa inyo.. pero ako.. mas mainam yata kung may pagpipilian tayo ng kung aling produkto ang ating nais na tangkilikin.. para san pa ang pagiging malaya natin kung sa simpleng pagpili ng bagay na nais natin ay hindi natin magawa? eh pera naman natin ang ating gagastusin.. ano ba pinagkaiba nito sa mga nagkalat na ukay-ukay, at kung anu-ano pang mga gamit mula sa ibang bansa na ibinebenta ngayon sa bangketa?
Pag-isipan sana nila ito..
