Rodolfo “Jun” Lozada: Bayani o Artista?

Mainit na mainit ang isyu tungkol ZTE-NBN deal.. pati na rin ang mga panawagang pagbibitiw ng Pangulong Arroyo.

Sa Paglabas ng tinagurian "Bayani" ng mga Oposisyon na si Jun Lozada.. dapat nga bang maniwala sa kanya?

Siguradong marami sa makakabasa nito ang magre-react.. pero sana maunawaan nila na opinyon ko lang naman ito..

Nitong mga nagdaang araw napanood ko ang iba’t-ibang panig ng mga taong involve sa kontrobersyal na ZTE-NBN Deal.. at sa halip na mapaniwala ako ni Jun Lozada sa mga "pasabog" na ginawa nito sa Senado.. lalo akong napag-isip.. kasi sa aking palagay ay napaglalaruan na niya ang aking sariling kaisipan.

Sa dinami-dami ng mga taong inakusahan niya at sa matitinding pambibintang niya.. kapani-paniwala pa nga ba siya?

Isa sa isyung mainit ding pinag-usapan ay ang kung na-"kidnap" nga ba ng Pulisya si Lozada o hindi. Hindi ko pa naranasang ma-kidnap.. hehe.. pero base sa mga napapanood ko sa balita.. sa pelikula.. kapag kinidnap ka.. wala ka ng komunikasyon sa pamilya o kaibigan mo.. may hinihinging kapalit ang kumidnap at hindi ka nila dadalhin sa lugar na gusto mo.

Sinabi ni rin Lozada na pinagbabantaan daw ni dating COMELEC Chairman Benjamin Abalos ang kanyang buhay.. pero taliwas dito may mga EBIDENSIYA si Abalos na nagpapatunay na si Lozada ay may ilang ulit na nagpunta sa Wack-wack upang maglaro ng Golf at kumain ng pamosong "Hamburjer".. katawa-tawa sa iba  ang naging pagbanggit ni Abalos.. hindi nila binigyang pansin ang bigat ng binitawang salaysay ng dating COMELEC commissioner..
Mukhang malabo din ang sinasabi ni Lozada na halos kalahati ng halaga ng ZTE deal ay kickback ni Abalos.. lalo pat walang karapatang manghimasok sa kontrata ng gobyerno ang chairman at walang matibay na Ebidensiya na si Abalos ay involve nga sa kontrata.

Isa ring malaking kalokohan para sa akin ang sinabi ni Lozada na sinubukan niya lamang umanong mamuhay mayaman nang siya’y nasa Hongkong, gayung dito sa Pilipinas ay nakapaglalaro siya ng Golf sa Wack-wack, hindi yata biro ang halaga ng mga babayaran dito bago maging miyembro.. kundi ako nagkakamali eh may annual fee pa yata ‘to.. kaya… kalokohan din ‘yang "Sanctuary fund" na ‘yan ng mga pari at madre na para raw kay Lozada.. (Mas kailangan ng tulong ng mga biktima ng baha at lanslide sa Samar..) Akalain mo may pakiramdam daw sila kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang hindi.. ako nama’y hindi napaka-relihiyosong tao.. pero ako man hindi ako tanga para malaman ko kung sino ang nagsi-sinungaling at nambobola lang. Akala mo eh Santo itong pino-protektahan ng mga madre at mga “brothers” na naka-sutana.. pero wag ka.. may kabalbalan din pala sa Phil. Forest Corp. na pinamunuan niya. Naalala ko din tuloy nung mapahiya si Lozada sa programang “Harapan” ng punain nito ang mga suot na damit ng kanyang mga inaakusahan.. hay.. hindi ko na iku-kwento dito.

Nakakalungkot naman ng minsang mapanood ko sa telebisyon ang ilang Law Students ng ilang kilalang paaralan.. hinihingi nila ang pagbi-bitiw ng Pangulo.. hindi na raw sila nasisiyahan sa "web of lies" ng kasalukuyang Administrasyon.. Hmmm.. iniisip kaya nila mga sinasabi nila? Hindi na ako magtataka na sa pagdating ng panahon, ang hustiya sa bansa natin ay nakabase na lamang sa sabi-sabi at hindi na sa ebidensiya.. na sa tuwing may aakusahan ay Guilty na agad. 

Tsk! Tsk! Tsk! nakakalungkot kasi, isa-isa ng pinapasok ng mga maka-kaliwang grupo ang lahat ng institusyon ng ating bansa.. Ang Simbahan, Paaralan, Militar(kasama ba Wig-dalo este Magdalo dito?), Gobyerno(mga mambabatas), maging ang Media?.. at siyempre.. abangan din natin ‘tong mga "magagaling" na Law students, na sa sobrang talino ay hindi na yata nila kailangang magtapos ng pag-aaral para matutong husgahan ang mga bagay-bagay base sa sabi-sabi. naituro na kaya sa kanila ang maging patas sa imbestigasyon? eh yung pananatiling inosente ng akusado hanggat hindi napapatunayang guilty?

At pakiusap ko lang.. ‘wag na sanang gamitin ang mga bata sa pag-iingay sa harap ng kamera.. tayo man naging bata.. alam nating sa mga ganito kasalimuot na usapin ay hindi dapat dinidiktahan ang kanilang murang isipan, bagkus ay hayaan silang makapag-isip kung ano ang nangyayari sa kapaligiran.

Hay… naisip ko lang.. unti-unti na nilang sinisira ang kinabukasan ng ating Bansa..

Lahat na yata ng pwedeng isisi sa gobyerno ay naisisi na..

Ang pagtaas ng bilihin… na nangyayari naman di lamang dito sa bansa natin kundi maging sa ibang bansa man.. teka.. kelan pa ba umurong ang presyo ng kahit ano?

  "BUMABAGSAK ANG PISO DAHIL KAY GLORIA!"  pero ngayong umaangat ang piso…pahirap pa rin daw sa taumbayan.

"BUMABAGSAK ANG MERKADO DAHIL KAY GLORIA!" Ngayong pumapalo ang Stock Market…hindi raw nararamdaman ng masa!

"BUMABAGSAK ANG EKONOMIYA DAHIL KAY GLORIA!" Pero sa pag-akyat ng ekonomiya ng 7.3% nitong huling quarter ng 2007…kasinungalingan lang daw lahat ng mga datos na nilalabas ng gobyerno.

Kelan ba kayo titigil sa kakahanap ng butas sa Gobyerno? Kahit ano pa gawin kontra pa rin kayo…

Ang siste…kahit ano namang pag-aalburuto ng mga galit sa Gobyerno…hindi pa rin sila pinapakinggan ng taumbayan… sawa na kasi sila sa ingay pulitika… Naka-ilang impeachment attempt na ba? hindi ko na mabilang eh… “hello garci”, nbn-zte deal, payola scandal, jpepa at sandamakmak na kung anu-ano pa.. May Edsa 3, Hyatt 10, Oakwood at Manila Pen.. Sino bang hindi magsasawa? eh wala namang mga matibay na ebidensiya na direktang magsasangkot sa Pangulo..
Hindi na ako magtataka kung bukas makalawa kung ang mga rally ay dahil na lang sa ayaw nila sa nunal ng presidente.. Nga pala ‘wag niyong lituhin ang publiko sa sinasabing “Communal Action” ng Catholic Bishop Conference of the Philippines! baka akala niyo kasi kayo lang na mga galit sa kasalukuyang administrasyon ang kasama sa “communal action” na ‘yan! LAHAT kasama!! mapa-PRO o Anti.. para sa akin tama lang yang desisyon ng CBCP.. san ka nakakita ng nahatulang guilty sa pangungurakot pero nanawagang ng resignation ng Pangulo dahil daw sa pangungurakot?

HINDI NAGHIHIRAP ANG PANGKARANIWANG TAO!

Ang tinutukoy ng mga Oposisyon na nagrerelakmo sa kahirapan ay walang iba kundi.. ANG MGA REKLAMADOR NG BAYAN…MGA TAMBAY AT NAGBI-BINGGO SA SQUATTER, na walang ibang ginawa kundi MAGLARO NG SAKLAAN SA MAGHAPON habang siyang-siya na minumura si Gloria.

ANG PANGKARANIWANG TAO NAGTATRABAHO…NAGHAHANAP-BUHAY…

Sa huli sa tingin ko.. hindi kay Lozada nababagay ang salitang "1 vs. the mob", sapagkat karapatan lamang din ng mga taong dinawit ni Lozada na magsalita at ipagtanggol ang kanilang sarili. one versus the mob?? Sa presidente pwede pa..

Para sa akin hindi "bayani" si Lozada.. please lang.. he’s not even close to Clarissa Ocampo! well.. hindi rin naman siya Artista.. uhm.. "Puppet" pwede pa!

Sa ngayon ang mahalaga sa akin ay paruhasan ang dapat parusahan kung meron man.. at ilabas ang matibay na EBIDENSIYA! Hindi puro akusa.

Unfair para sa akin ang matawag na maka-Arroyo dahil sa ako’y isang kapampangan.. Pakiramdam ko, para na rin akong sinabihan na wala akong karapatang magsalita sa mga ganitong isyu o ipahayag ang aking personal na saloobin.

Kung anuman ang aking posisyon sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa.. ito ay aking personal na paniniwala at opinyon lamang. Sinisiguro ko na hindi ito nakaka-apekto sa trabaho ko at personal na buhay.. hehe…

PEACE!

Leave a Reply