The heat is On….
Friday, January 4th, 2008Summer na ba?
Ang init sa tanghali pero ang lamig pagdating ng hapon at gabi..
Mainis na kayo pero hindi tungkol diyan ang iku-kuwento ko.
Isang araw habang nasa taxi ako, nakatutok sa balita ang driver ng taxing sinasakyan ko. Malayo pa ang 2010 pero "mainit" na ang usapan ng mga komentarista sa radyo, sa kung sinu-sino ang kanilang napipisil na susunod na magiging pangulo..
Noli de Castro, Mar Roxas, Loren Legarda.. hindi na bago sa akin ang mga pangalan na iyon, sa ingay ng pulitika halos araw-araw mukha nila ang bumabalandra sa harapan ng aming telebisyon.
Sa mga sandaling iyon ay napukaw na ang atensiyon ko ng mga nagsasalita sa radyo.. lalo na ng banggitin nila na interesado si MMDA Chairman Bayani Fernando na tumakbo sa pagka-pangulo..
Hmm… Oo nga no? bakit nga ba hindi? sa tingin ko, marami na rin naman siyang nagawa para pagandahin ang madungis na kalye ng maynila.. (kayanin niya kayang pagandahin at disiplinahin ang buong Pilipinas?) bagama’t marami ang tumututol sa mga bagong panukala niya kabilang na ang mga operator ng bus, jeep, at taxi.. sa kabuuan para sa akin ay naging maganda ang pamamalakad niya.. naisip ko tuloy.. bakit yung mga maraming nagagawa ay silang madalas binabatikos? samantalang ang dami sa mga namumuno sa kasalukuyan ay puro dal-dal lang at pagpapa-pogi sa harap ng camera ang ginagawa, ay sila pang lumalabas na "bida"..
Hayy… sa ngayon.. napaka-aga pa para sabihin kung sino ang karapat-dapat na maluklok bilang susunod na pangulo ng bansa.. mainam na pagtuunan muna ng pansin ng mga pulitiko ang ’sang tambak na problema ng ating bayan. Malayo pa ang Presidential election, trabaho muna tayo.. patunayan muna sana nila ang kanilang kakayahan.
PEACE!