Positibo!!!
Magpapalit na naman ng taon.. Naiisip ko, ano nga ba ang mga magaganda at hindi magandang nangyari sa akin nitong nagdaang taon?
Sa kabuuan mas naging maganda ang takbo ng aking buhay kumpara sa mga naunang taon.. (naks!), ayoko nang pag-usapan pa kung anu-ano ang mga iyon, basta ang pangako ko sa sarili ko ngayon ay maging positibo sa lahat ng bagay na aking gagawin.. maging Optimistic, Hopeful, Masaya, at hindi hahayaang humarang sa isip ko ang mga negatibong bagay..
Sa taong 2008 mga balak at pangarap ko..
- Tatamaan ko ang inaasam-asam kong malaking Jackpot sa Lotto. (May balato kayo! hehe..)
- Bibili ako ng Bahay at Lupa, o di kaya ay magpapatayo ng mansyon.
- Magtatayo ng sariling negosyo.
- Bibili ng aking mga inaasam-asam na bagay at gamit.
- Magpapa-aral ng mga out of school youth, at magtatayo ng libreng gamutan sa aming lugar.
- Siyempre.. ang paborito kong gawin.. Bumiyahe sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas at iba’t-ibang panig ng Mundo.
- Magta-trabaho pa rin at ipagpapatuloy ang napili kong propesyon.
- Mag-aaral ulit.. balak ko kasing mag-take ng "Cinematography Course" o any course na related sa Movies.. love ko ‘yun eh!
Marami pa akong gustong mangyari sa buhay ko ngayong 2008.. umaasa ako na matutupad ang lahat ng ito! Basta ba maging POSITIBO!!!!