Pinoy Kasi..
Saturday, December 23rd, 2006Nang isilang si Hesus sa mundo ay nakapiling niya ang kanyang inang si Maria, at tumayong ama na si Jose.. Larawan ng isang Pamilya.
Ang Pamilya na siguro ang pinaka-mahalaga o importanteng tao sa buhay ng bawat Pinoy.
Sa tuwing sasapit ang mahahalagang okasyon gaya ng Kapaskuhan at Bagong taon.. wala na sigurong lulungkot pa sa ating mga Pinoy kundi ang mawalay sa ating mga Pamilya.
Iba kasi ang pakiramdam ‘pag magkakasama kayong kakain ng "noche buena", o di kaya’y sasalubong sa ingay ng bagong taon..
Ngayong Kapaskuhan.. milyun-milyong Pilipino ang hindi makakapiling ang kanilang mga Mahal sa buhay, kabilang na dito ang mga nagta-trabaho sa ibang bansa, call center, Pulisya, at sa kung saan-saan pang larangan..
Tunay ngang masakit ang mawalay sa Pamilya mo sa ganitong mahahalagang okasyon.. marahil kung isa lamang tayong super hero, malamang kahit saglit ay lilipad tayo patungo sa ating mga mahal sa buhay.. pero anong magagwa natin? tao lang tayo.. Siguro ang pinaka-magagawa natin ay ang maka-usap sila sa telepono, mai-text, masulatan o mapadalhan ng card.. Haaay… ang mga paraan na magagawa ng taong malayo sa Pamilya niya, ang ilan sa paraan na magagawa ko..
Maligayang Pasko po sa lahat!
