Archive for August, 2006

mAbOtEnG UsaPAn!

Friday, August 11th, 2006

Indexshot   Madalas akong magtaka na kung bakit sa tuwing may okasyon o problema yung karamihan sa mga kaibigan ko.. Hindi nawawala ang alak! Beer, Gin, ay… panget pakinggan unahin muna natin yung Gin, tapos Beer hehe.. at kung anu-ano pang inuming alkohol!.

Ako po’y ocassional drinker lang.. dati nga naiinis ako pag nagkayayaan ng uminom..

Ano nga ba meron sa alak? Mapait, Mapakla, Mahal, Magasto at kung anu-ano pa! iniisip ko minsan ‘pag nanlilibre yung kaibigan ko.. nagsasayang lang siya ng pera..

Pero.. may isang pangyayari na hinding-hindi ko makakalimutan..

One time, i was at home when i got a text message from my bestfriend.. that time.. siguro, mga one year na kaming hindi nagkikita.. kaya naman am so excited to see him.. Nagyaya siyang uminom.. Waaaahhh!!!(sigaw ko sa sarili ko! hehe..) pero dahil matagal na kaming hindi nagkikita.. sige pagbigayan!! Dito na tuluyang nagbago pananaw ko sa bote ng Alak! lolz!!

"Maboteng Usapan" - "Mabuting Usapan!".. iba pala ang pakiramdam kapag naglabas ng saloobin o problema ang isang tao sa’yo.. lalo na ‘pag yung best friend mo.. honestly speaking, i know nothing about his personal life kahit na kinokonsidera ko siyang bestfriend.. yung araw na ‘yun ay isa sa mga araw na hindi ko malilimutan.. pinagkatiwalaan ako.. hiningan ng payo.. Nakakataba ng Puso!

Sa huli naisip ko.. wala pala sa bote.. nasa pakikisama! siguro kung tumanggi akong uminom o sumama sa kanya.. hindi ko masasabi na karapat-dapat pa akong maging kaibigan niya.. hindi ko kailangang magpakalasing.. kailangan lang damayan siya!!

O siya.. tagay pa!! nyahahaha..

ito ang gusto ko!

Sunday, August 6th, 2006

Ako

eversince nung bata pa ako.. i always wanted to be different from other people..

gusto ko magkaroon nang sariling pagkakakilanlan.. i dreamed of becoming famous someday.. (pero not naman to become a star which is too impossible!) gusto ko makilala bilang isang mabuting tao.. matulungin ka sa kapwa.. mapagmahal..

honestly speaking, wala pong kwenta sakin yung pisikal na kaanyuan o kaya ay kayamanan..

gusto kong magkaroon ng maraming kaibigan.. gusto kong maglakbay sa malalayong lugar.. gusto kong matutuhan ang maraming bagay.. gusto kong matutong tumayo mag-isa..

ang dami kong gusto!! etoh ang ilan sa mga mas imposible.. hehehe..

gusto kong lumipad.. gusto kong maging malaya sa lahat ng bagay, sa lahat ng iisipin ng iba.. gusto kong magkaroon ng superpowers.. gusto kong maging pangulo ng Pilipinas.. whew!

gusto kong maging isang makata.. gusto kong maging magaling na Direktor, Kompositor,Guro, Duktor.. 

Marahil natatawa kayo sa sobrang dami at imposible ng mga gusto ko..

basta.. ito ang gusto ko eh! hehehe…