Archive for June, 2006

Be glad to have a Dad!

Sunday, June 18th, 2006

  This is about a person whom i dreamed of being with.., its about a man whom i admire the most..

It’s about my Dad!

  I was only two years old when my Dad past away.. and since then, my Mom took the responsibility of raising us up.. i never really got a chance to know my Dad well.. but the way my Mom, and some of his "kompadres" told me about him.. i would say that he is trully a great person.

  "Ima" used to tell me stories about my Dad.. She told me that my Dad is a noble soldier.. dedicated to his work, and loves helping other people..

  I would love to tell you more about my Dad.. pero siyempre.. i post this message not just for my Dad.. para din ito sa lahat ng Tatay, Daddy, Papa, Ama, Tatang… o kung anumang tawag niyo..

  Ma-swerte nga ang karamihan sa inyo kasi nakakasama niyo pa ang inyong mga ama.. sarap sigurong marinig mula sa kanya ‘yung mga bagay na nakapagbibigay inspirasyon at saya sa kanila. Kaya naman… binati niyo na ba sila ng "Happy Father’s Day?!"

                           Happy Father’s Day po sa lahat ng Ama!!

9 yEaRs nA!

Sunday, June 11th, 2006

Ceu June 13, 1997

Siyam na taon na ang nakakalipas nang una kaming magkakila-kilala ng ilan sa mga taong naging mahalaga sa buhay ko.. ( CEU ABMC IVa-Malolos, Naaalala niyo pa ba??)

Siyam na taon.. nananatiling magkakaibigan! Siyam na taon at hanggang sa habang panahon!

Sana walang sawaan.. Sana walang iwanan.. Sana palagi kayong Nandyan..

Para sa mga naging mabuting kaibigan ko:

Gerry, Mavzs, Lawd, Vevzs, Cecille, Anjo, Paulo, Kenneth, Rommel, Eseng, DiƱo, Adame, Jeje, Whamos, Mitze, Nathaniel, Suzette, Cristina, Pedro, at marami pa pong iba.. pasensiya na po sa mga hindi ko nabanggit na pangalan..

Salamat! 

Centro Escolar University (Malolos) - MassCom. 2001

Para sa’yo ‘to kaibigan ko!

Sunday, June 4th, 2006

Kung bibilangin ko yung mga taong masasabi kong "super hero" ng buhay ko.. tiyak mauubusan ako ng oras sa pag-iisip sa kung sino-sino ang mga ito.

Maliban sa kapamilya ko.. siyempre mawawala ba naman ang mga butihin kong kaibigan?

Karamihan sa mga kaibigan ko ay ‘di ko na nakikita.. pero siyempre hindi ko makakalimutan yung mga pagkakataon na pinalakas nila ang loob ko, pinaramdam nila sa akin na importante ako.. at higit sa lahat pinadama nila sa akin ang tunay na kahulugan ng pagka-kaibigan.

Hindi ako natatakot na balang araw ay iwanan ako ng inaakala kong kaibigan, kung alam ko naman na sa bawat aalis ay may darating.. yung handang tangapin ang mga kahinaan ko at handang unawain ang problemang pinapasan ko.

Kaya kung isa ka sa tunay at tapat na kaibigan ko..

Maraming Salamat Sa’yo!

Para sa mga kaibigan ko!